IBIBIGAY bilang donasyon sa Korea Scholarship Foundation ng grupong NewJeans at ng kanilang talent label na ADOR ang lahat ng kita nila mula sa university festivals.
Ang tinutukoy na mga university festival ay ang performance ng NewJeans sa Korea University noong May 25; Chosun University noong Mayo 27; Dong-Eui University at Pusan National University noong Mayo 28.
Maging sa Dongguk University at Sejong University noong Mayo 30; at Chung-ang University noong Mayo 31.
Gagamitin naman ang nalikom na mga pondo bilang tulong sa living expenses at housing costs ng mga low-income university student.