Klase sa ilang lugar sa Batangas, isasailalim sa modular dahil sa degassing activity ng Bulkang Taal

Klase sa ilang lugar sa Batangas, isasailalim sa modular dahil sa degassing activity ng Bulkang Taal

ISASAILALIM muna sa modular classes ang mga paaralan sa ilang lugar sa Tanauan, Batangas.

Ito ay dahil sa degassing activity o ang patuloy na pagbuga ng gas ng Bulkang Taal.

Batay sa abiso ni Tanauan City Mayor Sonny Collantes, ang klase sa mga paaralang sakop ng Brgy. Boot, Wawa, Maria Paz, Ambulong, Bañadero, Bagbag, at Gonzales ay magiging modular muna.

Nagpaalala rin si Collantes sa mga residente sa nabanggit na mga barangay na kung maaari ay manatili sa loob ng kanilang mga tahanan, magsuot ng KN-95 na face mask para maiwasan ang pananakit ng dibdib, kahirapan sa paghinga, pagkahilo, at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble