TUTUTUKAN ng Taguig City Government ang mas komprehensibong pagtugon sa health system ng lungsod.
Sa isinagawang Local Health Board Meeting ng Taguig LGU, tinalakay ang Universal Health Care Program.
Napag-usapan din ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig, Department of Health at PhilHealth.
Pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano ang pagpupulong na aniya ay isa ang aspetong pangkalusugan sa prayoridad ng pamahalaang lungsod ng Taguig.
Nais aniyang magkaroon ng mas mahusay at magandang programa ang lungsod na tutugon sa pangangailangang pangkalusugan para sa kanilang residente.