Kongreso, hindi dapat balat-sibuyas ayon sa isang Political Analyst

Kongreso, hindi dapat balat-sibuyas ayon sa isang Political Analyst

NANAWAGAN ngayon ang political analyst na si Prof. Antonio Contreras sa Kongreso na huwag maging balat-sibuyas ang mga opisyal nito.

Ginawa ng propesor ang pahayag matapos ipatawag sa Kamara ang SMNI matapos magpahayag ang isa sa mga program anchor nito na umabot na umano sa P1.8-B ang travel expenses ng Office of the Speaker.

Ayon kay Contreras, ang paparating na imbestigasyon ng House Committee on Legislative Franchises laban sa SMNI ay magdudulot ng ‘chilling effect on free speech.’

Diin din nito na hindi maaaring sirain ng mga pagdinig sa Kongreso ang mga organisasyong nagpapahayag lamang ng impormasyon.

Lalo na ang paggamit sa kanilang ‘congressional powers’ para sikilin ang kalayaan sa pamamahayag.

“Congress should not be onion-skinned. They cannot freely malign people in their proceedings when they speak because they are immune from suit and yet wield Congressional powers to curtail free speech rights,” ani Contreras.

Sa programang ‘Laban Kasama ang Bayan’ sa SMNI ay patanong na binanggit ng isa sa host nito na si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz ang isyu ng P1.8-B travel funds.

At hinihingan nito sa ere ng paliwanag, kumpirmasyon o panig ang Office of the Speaker sa nasabing usapin.

Follow SMNI NEWS on Twitter