SINUSURI na ang sasakyan na hinihinalang pinaglipatan sa nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.
Sa pulong balitaan, sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo na kabilang sa gagawin ng PNP Forensic Group at PNP Highway Patrol Group ay ang macroetching kung saan susuriin ang chassis at engine number ng sasakyan upang matukoy ang may-ari nito.
Napag-alaman na inabandona ang kulay pulang Honda CRV sa isang lugar sa Batangas nitong Nobyembre 8.
Batay sa salaysay ng dalawang testigo, nakita nilang inililipat sa kulay pulang Honda CRV si Camilon na duguan.
Nanawagan naman si Fajardo sa sinumang nakakita sa sasakyan ni Camilon na Nissan Juke na ipagbigay alam sa awtoridad upang makatulong sa imbestigasyon.