Kung sa tingin niyo mas komportable kayo sa administrasyon ngayon, piliin niyo ang mga kandidato nila—FPRRD

Kung sa tingin niyo mas komportable kayo sa administrasyon ngayon, piliin niyo ang mga kandidato nila—FPRRD

HINIMOK ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko na suportahan ang mga kandidato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung sa tingin nila ay bumuti ang kanilang buhay sa kasalukuyang administrasyon.

Ipinunto niya ang presyo ng pagkain, job opportunities, at seguridad bilang batayan sa pagpili ng mga lider ng bansa. 

“Kung ‘yung presyo ng bigas at pagkain para sa Pilipino mas mababa ngayon, edi iboto natin ‘yung mga kandidato niya (PBBM).

Kung mas madali maghanap ng trabaho ngayon sa panahon niya, doon ka sa kaniyang administrasyon. Kung sa panahong ito, kampante kang maglakad na walang takot, nakakapagpasyal ka maski saan, eh huwag mo nang bitawan si Marcos. Piliin mo na ‘yung kandidato niya,” pahayag ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble