IAALOK na ng Harvard University ang kursong “Taylor Swift and Her World” sa susunod na semester.
Sa anunsiyo ng paaralan, si Harvard English Professor Stephanie Burt ang magtuturo nito.
Ang sinumang mag-aaral sa kursong ito ay magkakaroon ng college credit ayon sa Harvard dahil sa kanilang malalimang pag-unawa sa lyrics, music, influence ng singer sa politika at kultura maging ang iba pang bagay na may kaugnayan kay Taylor.
Si Taylor ay isang 12-time Grammy Winner na may Ten Studio Albums at apat na re-recordings.
Ang “The Eras Tour” nito na tinaguriang Biggest Tour of All Time ay tinatayang may 2.2 billion dollars gross sa Estados Unidos pa lamang.