NANINDIGAN si Pastor Apollo Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na hindi dapat maapektuhan ang pagpopondo ng NTF-ELCAC laban sa NPA.
Ayon kay Pastor Apollo, mas mabigat ang laban ng pamahalaan sa mga komunistang grupo ng CPP-NPA-NDF kaysa sa COVID-19.
Sa kanyang live TV program na Give Us This Day, hindi na nagustuhan ni Pastor ang pahayag ni Senator Nancy Binay kaugnay sa paglalaan ng maling pondo para sa anti-insurgency campaign ng Duterte Administration.
Sa isang panayam, sinabi ni Senator Nancy Binay na dapat ilipat ng pamahalaan ang pondong nakalaan para sa NTF-ELCAC.
Ayon sa senadora, malaki ang hamon ng COVID-19 sa bansa kaya naman mas mainam aniyang ilaan muna ang P29 bilyong pondo ng NTF-ELCAC sa RITM para gamitin sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Pero para kay Pastor Apollo, mas malaking problema ang usapin sa terorismo na dekada nang nilalabanan ng gobyerno kaysa sa COVID-19 na ngayon lang naranasan at dumating sa bansa.
Babala pa ni Pastor Apollo, ang mga kagaya ni Senator Binay na nasa gobyerno ay hindi kailanma’y mapapatawad ng taumbayan lalo na aniya sa mga taong nagmamalasakit sa kapakanan, at katahimikan ng bansa.
Matatadaang, nauna na ring sinabi ng pamahalaan na may sapat na pondo ang gobyerno upang tugunan ang pangangailangan para sugpuin ang tuluyang pagkalat pa ng sakit na COVID-19 sa bansa.
Sa katunayan ani Pastor Apollo, malapit nang makuha ng bansa ang target na herd immunity kontra COVID-19 pero hindi ang kalokohan ng CPP-NPA-NDF.
Samantala, nauna na ring kinondena ng dating kadre ng NPA na si Joy James o Ka Amihan ang pahayag na ito ng mamabatas na si Binay.
Aniya, hindi dapat na hindi gawing prayoridad ng pamahalaan ang laban nito kontra communist insurgency.
Muling iginiit ni Pastor Apollo, walang ibang gamot sa pagsugpo sa insurhensiya sa bansa kundi ang pagkakaisa ng sambayanan.
Duda pa ng butihing Pastor Apollo sa senadora, nagmumukhang NPA lover din ito.
BASAHIN: Esperon, dinipensahan ang P19-B budget ng NTF-ELCAC