‘Lahat ng tao walang damit’: Payo ng ama kay Sandro para maging isang confident speaker

‘Lahat ng tao walang damit’: Payo ng ama kay Sandro para maging isang confident speaker

KALMADO na magsalita sa House plenary si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos sa kabila ng kanyang nerbiyos noong una siyang sumabak sa mundo ng politika.

Ibinahagi ni Sandro ang nakakatawang payo ng kanyang ama na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para mawala ang kanyang nerbiyos sa pagharap sa maraming tao, isipin lamang niya na lahat ng tao ay walang damit.

Dagdag pa niya na kailangan mag practice nang mag practice, huminga ng malalim at magpahinga.

Aniya it’s a funny advice pero ito ay epektibo.

Si Sandro Marcos ay isang senior deputy majority leader sa House of Representatives kung saan humaharap siya sa plenaryo isang beses kada session.

Follow SMNI NEWS in Twitter