NAGPAALALA ang Commission on Elections (COMELEC) na bawal ang anumang uri ng pangangampanya sa Huwebes at Biyernes Santo bilang bahagi ng pagsunod sa batas.
Ayon kay COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, kasama sa ipinagbabawal sa mga nabanggit na araw ay ang pagpo-post ng kandidato sa social media para magpakilala ng kanilang sarili, maging ang pagpapatugtog ng campaign jingle at mga campaign rally.
Paalala din ng komisyon, bawal na ang pangangampanya isang araw bago ang halalan.
Ang mga lalabag ay maaring masampahan ng diskwalipikasyon at election offense.