Lalaki sa Albay nahulog mula sa ikatlong palapag ng Legazpi City Public Market

Lalaki sa Albay nahulog mula sa ikatlong palapag ng Legazpi City Public Market

UMAGA ng Biyernes, Abril 11, 2025, magulantang ang mga tao sa Legazpi City public market matapos bumagsak mula sa ikatlong palapag ng palengke ang isang lalaki na kinilalang si Gilbert, 41 anyos, may asawa, at residente ng Oas, Albay.

Ayon sa mga saksi, huli nilang nakitang buhay ang biktima na nakaupo pa sa isang monoblock chair katapat ng puwesto nito kung saan apat na araw pa lang itong nagtatrabaho.

Agad namang rumesponde ang Legazpi City Police Station at Quick Response Team ngunit hindi na ito umabot ng buhay sa Bicol Regional Hospital Medical Center dahil sa lakas ng pagkahulog nito at pagtama ng ulo sa semento.

Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan kung mayroong foul play, matapos lumabas na may nakakita sa kamay ng biktima na nakakapit sa bakod ng ikatlong palapag at ilang tindera rin ang nakakita na sumabit ang ulo nito sa railings ng hagdanan bago tuluyang nahulog sa ground floor.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble