Lalaki sa Binangonan Rizal, arestado; P750k na halaga ng shabu nakumpiska

Lalaki sa Binangonan Rizal, arestado; P750k na halaga ng shabu nakumpiska

NAARESTO nitong Sabado Abril 12 ang dalawang lalaki sa Brgy. Pantok, Binangonan Rizal sa ikinasang buy bust operation ng Binangonan Municipal Police Station.

Kinilala ang dalawang lalaki na sina alyas Khalifa, 40 taong gulang at alyas John 32 taong gulang kung saan nakumpiska rin sa mga ito ang 5 pakete ng hinihinalang shabu na nasa 111/5 gramo at may halaga na P758,200, isang brown na pitaka, isang P500 recovered money, 2 cellphone, 1 motorsiklo at P1,100 na buy bust money.

Haharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble