TUMALON ang isang lalaking pasahero sa riles habang tumatakbo papalapit ang tren sa Monumento LRT-1 station kaninang madaling araw ng alas kwatro.
Ito ang kinumpirma ng tanggapan ng Light Rail Manila Corporation, ngayong araw ng Miyerkules.
Dahil dito, naging limitado ang operasyon mula Baclaran hanggang Blumentritt station, pero pasado alas singko ng umaga ay naibalik na ang buong operasyon sa linya ng LRT-1.
Hindi na ibinahagi ang naging dahilan ng pagtalon ng lalaki, at kasalukuyan na itong nagpapagamot sa ospital.