Lapu-Lapu City, napiling lugar para sa BIDA Fun Run ng DILG

Lapu-Lapu City, napiling lugar para sa BIDA Fun Run ng DILG

NAKAHANDA na ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Lapu-Lapu para sa Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Fun Run ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na isasagawa sa siyudad.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagsugpo sa ilegal na droga sa buong bansa.

Ang BIDA Fun Run ng DILG ay nakatakdang isagawa sa Lapu-Lapu City sa susunod na linggo, Hulyo 29, araw ng Sabado sa Hoopsdome ng siyudad.

Sa isinagawang press conference nitong Huwebes, Hulyo 20, tinalakay ng siyudad ang mga paghahanda para sa naturang event.

Pangungunahan ito ng kalihim ng DILG na si Benjamin Abalos Jr., kasama si Mayor Junard Chan at iba pang opisyal at runner ng gobyerno.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang publiko na maging physically fit, at palakasin ang anti-illegal drug campaign sa lugar.

“Ang mensaheng ito ay ginawa upang magkaisa ang mga tao, hindi lang ang Lapu-Lapu, kundi buong lalawigan ng Cebu na magkaisa against illegal drugs, ‘yan ang messaging na ginawa natin dahil pangarap talaga natin na maging drug-free ang mga lugar sa buong bansa at dito magsisimula sa Lapu-Lapu,” ani Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan.

Nabatid na ang siyudad ng Lapu-Lapu ay mayroon nang isang drug-free na barangay na siya namang dahilan ng pagkakapili sa kanila ng DILG na maging host sa isasagawang fun run.

“We are proud to say that out of 30 barangays, we have 6 barangays was already drug cleared and one barangay was already drug free, so this messaging we want to encourage other barangays na ma-drug cleared na rin sila,” ayon kay Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan.

Ang BIDA Fun Run 2023 na ito ay isang pambansang kampanya laban sa ilegal na droga na nakapaloob sa mga local government units (LGUs), national government agencies (NGAs), at iba pang mahalagang sektor sa lipunan.

Ang City of Lapu-Lapu Office for Substance Abuse Prevention (CLOSAP) ang siyang focal point ng siyudad para sa BIDA program, habang ang DILG ay ang lead agency sa naturang programa.

Magkakaroon ng 2k|4k fun run na may registration fee na P400.00.

Sinasaklaw nito ang t-shirt ng mga runner, tag ng karera, meryenda sa umaga pati na rin ang medalya at mga premyo para sa mga nanalo.

Samantala, ang ibang kita mula sa registration ay gagamitin para matulungan ang mga anti-drug advocates na nakatapos ng kanilang drug rehabilitation program ng gobyerno na makapagtrabaho at makapagbigay ng kanilang ikabubuhay.

“Tayo dito sa Lapu-Lapu, we cater all our plea bargainers, lahat ng nakalabas na sa bilangguan. The city of Lapu-Lapu cater those plea bargainers under ng ating drug rehabilitation program, the outpatient rehabilitation program and ang na cater natin is 1,194 and so far here in Lapu-Lapu City for the batch 31 and 35, meron 700 na cater and kung magtatanong kayo kung ano ang rate ratio natin, just last month nakapagraduate tayo ng 46,” pahayag ng City of Lapu-Lapu Office of Substance Abuse Prevention (CLOSAP) Executive Director.

Ang walk in registration ay sa Lunes hanggang Biyernes mula alas singko ng hapon sa CLOSAP at local youth development ofice o facebookregistration bida 2023 run kontra droga #dagankontradroga 2023

Nangako si Mayor Chan na makabuo ng humigit-kumulang 10,000 kalahok

Para sa aktibidad ng BIDA, at 5,000 kalahok para sa fun run.

Ang BIDA program ay inilunsad ng DILG noong nakaraang taon upang paigtingin ang illegal drug demand and supply reduction efforts sa bansa gamit ang multi-sectoral approach.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble