Large-scale COVID-19 booster shot sa mga mag-aaral, ipinag-utos ni Pangulong BBM

Large-scale COVID-19 booster shot sa mga mag-aaral, ipinag-utos ni Pangulong BBM

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magsagawa ang local government units ng large-scale immunization drive para sa COVID-19 booster shot sa mga mag-aaral.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng booster campaign rollout upang ligtas na makabalik ang mga bata sa face-to-face classes sa Agosto o sa Setyembre.

Bukod dito, ay upang tuloy-tuloy mabuksang muli ang ekonomiya. Mensahe ito ni Pangulong Marcos habang nasa isolation matapos siyang magpositibo sa sakit na COVID-19.

At pagka maging matagumpay ang booster rollout, ani Marcos ay marahil puwede nang ibaba ang alert level at maaari nang gawing optional ang pagsusuot ng face mask.

Subalit giit ng Punong Ehekutibo, hindi pa ito gagawin hangga’t maliwanag na maliwanag na ligtas na talaga ang lahat mula sa coronavirus disease.

 

Follow SMNI News on Twitter