PANGINGIALAM sa Pilipinas ang ginagawa ni dating US Secretary of State Hillary Clinton.
Ito ang nakikita ni Criminal Law Practitioner Ferdinand Topacio sa panayam ng SMNI News.
Kasunod ito sa Twitter post ni Hillary Clinton na ang pagpasasara ng Rappler ay isang disservice o kasamaan laban sa Pilipinas at mga Pilipino dahil ito aniya ay isang news outfit na pinagmumulan ng totoong mga balita at impormasyon.
Matatandaang nauna nang ipinag-utos ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang pagpasasara ng Rappler na binuo ni Maria Ressa dahil sa paglabag ng foreign ownership rules ng Pilipinas.
Pinaliwanag din ng abogado na wala ng legal capacity to act kapag wala na ang registration mula sa SEC kaya dapat magsara na ang Rappler.
Maaari aniya nang i-hold ang mga pag-alis nito sa Pilipinas at ang pagiging convict nito ay wala nang “presumption of innocence kasunod ng pagkumpirma ng Court of Appeals (CA) na isa ng cyberlibel convict ni Ressa.
Kasunod nito ay binigyang-diin ni Topacio na hindi lang ang Rappler ang news source sa Pilipinas.
Nilinaw rin ni Topcio na hindi ang pamahalaan ang nagdemanda kay Maria Ressa kundi private citizen at kailangan din nitong igalang ang umiiral na batas sa Pilipinas.