PINANGUNAHAN ng local government unit (LGU) ng Las Piñas City ang isang malakihang job fair para sa mga naghahanap ng trabaho.
Isinagawa ang nasabing job fair sa Florlina Dela Cruz cor. Ma. Conception Roa St., Barangay Talon Dos, Las Piñas City mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.
Nasa 10 malalaking ahensiya at kumpanya ang nakipagtulungan sa LGU ng Las Piñas upang makapagbigay ng trabaho sa mga aplikante.
Mga kompanyang lumahok:
Polystar General Services
Jammas Inc.
Servicio Filipino Inc.
Prudential Employment Agency Inc.
The Aivee Group
Cable Link & Holdings Corp.
Manpower Assistance Integrated Network Inc.
BPI
SSS