Cong. Paolo Duterte, humiling ng habeas corpus at TRO kontra pakikipag-ugnayan ng Marcos Jr. admin sa ICC at INTERPOL

Cong. Paolo Duterte, humiling ng habeas corpus at TRO kontra pakikipag-ugnayan ng Marcos Jr. admin sa ICC at INTERPOL

KASUNOD ng iligal na pag-aresto at pagkakadetine kay dating Pangulo Rodrigo Duterte, ay naghain na rin ng petisyon para sa habeas corpus sa Korte Suprema si Cong. Paolo “Pulong” Duterte.

Sa kanyang petisyon, tinukoy niya bilang respondents sina Executive Secretary Lucas Bersamin, DILG Secretary Juan Victor Remulla Jr., at PNP Chief Rommel Francisco Marbil.

Matatandaan na nauna nang naghain ng parehong apela ang kanyang mga kapatid na sina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Veronica “Kitty” Duterte.

Ngunit sa petisyon ni Cong. Pulong, bukod sa habeas corpus, humihiling din siya sa Korte Suprema na magpalabas ng isang Temporary Restraining Order (TRO) upang mapatigil ang kooperasyon ng gobyerno sa International Criminal Court (ICC) at INTERPOL.

Matatandaang inaresto ng Philippine National Police (PNP) si dating Pangulong Duterte sa bisa umano ng warrant na inilabas ng ICC.

Samantala, kinumpirma rin sa dokumento na si Atty. Harry Roque ang abogado ni Pulong sa nasabing petisyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble