Legal team ni Deniece Cornejo, solid pa rin daw

Legal team ni Deniece Cornejo, solid pa rin daw

TINAWANAN at mariing itinanggi ni Atty. Ferdinand Topacio ang mga ulat na nagkakawatak-watak o magulo na ang legal team na humahawak sa mga kaso ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro.

Ipinaliwanag ni Topacio na nagkasundo kasi ang buong legal team na magkaroon sila ng division of labor.

Sinabi ni Topacio na ang isasampang mga cyber bullying cases lamang laban sa mga bashers ni Deniece Cornejo ang kanyang hahawakan.

Nilinaw nito na si Atty. Howard Calleja naman ang hahawak sa rape case, habang si Atty. Karen Gimeno naman ang mamumuno sa kasong Act of Lasciviousnes.

Kaugnay nito ay tiniyak pa ni Topacio na nananatiling solid ang legal team ni Cornejo at malakas umano ang kanilang mga kaso laban kay Navarro.

Follow SMNI NEWS in Twitter