LGU ng Malay pinag-aaralan ang pagtapyas ng bayarin para makahikayat ng turista

LGU ng Malay pinag-aaralan ang pagtapyas ng bayarin para makahikayat ng turista

PINAG-AARALAN ng lokal na pamahalaan ng Aklan at Malay ang posibilidad ng pagbaba ng mga bayarin sa Boracay upang makahikayat ng mas maraming dayuhang turista.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Western Visayas Regional Director Engr. Juan Jovian Ingeniero, kailangang gawing mas kompetitibo ang mga bayarin sa isla upang makasabay sa ibang top destinations tulad ng Bohol at Palawan.

Sa kasalukuyan, karamihan sa mga bumibisita sa Boracay ay lokal na turista. Mula Pebrero 1-15, umabot sa 92,254 ang turista sa isla, ngunit 65,230 rito ay domestic travelers, habang 24,905 lamang ang mga dayuhan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble