PALALAWIGIN hanggang Biyernes ang libreng sakay na ibinibigay ng Kamara de Representantes at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaherong apektado ng libreng sakay.
Ang pagpapalawig ng libreng sakay ay bunsod ng pahayag ng grupong Manibela na magsasagawa rin ito ng transport strike mula ngayong araw, Miyerkules hanggang sa Biyernes.
Nakipag-ugnayan ang Office of the Speaker kay MMDA acting Chairman Atty. Romand Artes upang makapagbigay ng libreng sakay sa mga apektadong pasahero bunsod ng transport strike na inilunsad ng PISTON mula Lunes hanggang Miyerkules.
Ayon kay Artes, ang mga bus na nagbibigay ng libreng sakay ay may rutang SUCAT-Baclaran, Pasig-Monumento-Quiapo, Philcoa-Doña Carmen, Parañaque City to City Hall, at Antipolo-Quiapo.
Kamara at MMDA, ipahuhuli ang mga gumagamit ng ‘8’ plates
Samantala, nagkasundo rin ang Kamara at MMDA na tapusin na ang pamamayagpag ng mga sasakyang mga de-otso na plaka.
Ayon kay House Secretary General Reggie Velasco, nagkasundo sila ng MMDA sa isang pulong kamakailan na tuluyan at hindi hayaang mamayagpag ang paggamit ng nasabing special plate.
Tiniyak naman ng Kamara na magkakaroon ng batas para sa tamang vehicle plate identification.
Karaniwang ginagamit ang special ‘8’ plates ng mga kongresista.