Libreng Wi-Fi na walang limit at walang registration, handog ng Converge sa publiko

Libreng Wi-Fi na walang limit at walang registration, handog ng Converge sa publiko

PATULOY na nakikipag-ugnayan sa gobyerno ang internet service provider na Converge para makapagtayo ng mga libreng Wi-Fi sa mga pampublikong lugar tulad ng mga airport at pantalan.

Ayon kay Converge Chief Executive Officer Dennis Anthony Uy, patuloy ang koordinasyon nila sa Department of Transportation (DOTr) para magkabit ng mga libreng Wi-Fi sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ani Uy, nais ng Converge na pumantay sa iba pang international airport gaya ng sa Hong Kong at Singapore pagdating sa libreng Wi-Fi.

‘‘So, this is with the DOTr partnership, we want to feel wow also in our ports. It’s not limited hours or whatever, you need to register. Now you just put your name, number, log it. Especially you are a Converge subscriber, once you registered, next time you go back they will welcome you already,’’ ayon kay Dennis Anthony Uy, Chief Executive Officer, Converge.

Una nang inilunsad ang libreng Wi-Fi ng Converge sa Terminal 3 at 4 ng NAIA.

Nakatakda namang buksan ang libreng internet connection sa Terminal 1 at 2 ng nasabing airport at sa Davao International Airport ngayong buwan ng Abril.

Bukod sa DOTr, patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng Converge sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para mabigyan ng oportunidad sa internet ang mga nasa malalayong lugar.

Sa ngayon nakapag-install na ang nasabing internet provider ng libreng Wi-Fi sa higit 11,000 na mga komunidad sa bansa.

Inaasahan naman na bago ang tax filing ngayong Abril ay operational na rin ang libreng Wi-Fi ng Converge sa lahat ng regional division offices ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

‘‘All of these is part of the CSR of Converge to the public. That’s free,’’ saad pa ni Uy.

Publiko, makakaasa ng kapareho at de-kalidad na internet service saanmang lugar sa Pilipinas—Converge

Muli namang tiniyak ng Converge sa publiko na sa anumang panahon at saanmang lugar sa Pilipinas ay makukuha nila ang kapareho at de-kalidad na internet service mula sa kanila.

‘‘The quality and the experience and the price by the way, that you get is the same regardless whether you are in Makati, Manila, Cebu or Davao, Zamboanga soon by the way, we go live in Zamboanga, there is no difference. So, you choose where you wanna live your life, as long as Converge has service, you gotta get the same experience at the same price,’’ ayon pa kay Jesus C. Romero, Chief Operations Officer, Converge.

Nitong taong 2023, kinilala sa Ookla Speedtest Awards ang Converge bilang pinakamabilis na internet service provider sa Pilipinas.

Nasungkit din nila ang mga parangal na Best Internet Gaming Experience, Best Internet Video Experience, at Top-Rated Internet in the Philippines.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter