Libu-libong South Koreans, nagsagawa ng malawakang protesta laban sa pagpapakawala ng nuclear wastewater

Libu-libong South Koreans, nagsagawa ng malawakang protesta laban sa pagpapakawala ng nuclear wastewater

NOONG Sabado, nagsagawa na naman ng panibagong malawakang protesta ang libu-libong mga South Koreans sa Downtown Seoul upang ikondena ang pagpapalabas ng Japan ng radioactive wastewater sa karagatan.

Humigit-kumulang sa 50,000 katao ang nakilahok sa nasabing protesta mula sa iba’t ibang antas ng lipunan, kabilang na ang mga miyembro ng political parties sa bansa at mga civic group sa panawagang ihinto na ng gobyerno ng Japan ang pagpapalabas ng radioactive wastewater sa karagatan na nagsimula noong Huwebes.

Isa rin sa ikinagagalit ng mga mamamayang Koreano ay ang iresponsableng pahayag ng gobyerno ng South Korea sa pagpayag nito sa plano ng Japan na gawin ang nais nito.

Ayon sa mga nag-protesta, ang labis na makasariling kilos ng Japan ay magreresulta ng isang napakalaking pinsala sa karagatan,  sa buhay ng tao, at ang tanong ng marami, sino ang mananagot sa mga pinsalang dulot ng radioactive wastewater ng Fukushima pagkaraan ng maraming dekada.

Kaya naman, hinimok ng mga nagwe-welga ang gobyerno ng Japan na agad ng itigil ang pagpapalabas ng mga nuclear-contaminated water sa Pacific Ocean, habang hinihingi naman nila ang agarang aksiyon mula sa pamahalaan ng South Korea upang maihinto na ng Japan ang ginagawa nito.

“This is clearly a crime against humanity and Japan must be prosecuted before the international tribunal for the law of the sea. We should stop Japan’s crimes of nuclear terrorism against humanity,” ayon sa isang Protesta.

Ayon sa isang nagprotesta, ang ginagawa ng Japan ay malinaw na isang krimen laban sa sangkatauhan at ang buong Japan ay dapat na i-prosecute sa harap ng international tribunal para paglabag sa Law of the Sea at dapat nang itigil ang ginagawang nuclear terrorism nito.

“The government of Yoon Suk-yeol lied to the public, saying that the discharge was okay instead of opposing the release of nuclear-contaminated water from the Fukushima Nuclear Plant in Japan. I’m very unhappy with this acquiescence, so I’m here to protest,” ayon sa  ikalawang Protesta.

Ayon sa isa pa, nagsinungaling umano si Pangulong Yoon Suk-yeol sa kanila ng sabihin nito sa publiko na ayos lamang ang ginagawang pagwo-water discharge ng Japan dahil naniwala ito sa sinasabi ni Kishida na ligtas ang mga tubig mula sa Fukushima Nuclear Power Plant sa halip na tutulan ito, kaya naman labis silang nalungkot sa naging desisyon ni Yoon.

Sa parehong araw, nagsagawa rin ng malawakang protesta ang mga tao sa Busan kung saan mahigit 1000 ang sumama sa pagwe-welga sa harap ng Busan Station Plaza at nagmartsa patungong Japanese Consulate General sa Busan, gayundin ang Gyeongju at iba pang mga lugar sa South Korea.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter