Lionel Messi, itinanghal bilang best men’s player ng FIFA para sa taong 2022

Lionel Messi, itinanghal bilang best men’s player ng FIFA para sa taong 2022

ITINANGHAL si Lionel Messi bilang the best FIFA men’s player para sa taong 2022 kasunod ng pagkapanalo nito sa World Cup para sa Argentina.

Ang parangal na ito ay pinagbotohan ng mga national team coaches, captains, jounalists at pati na ng mga fans upang kilalanin ang naging pangunguna nito sa Argentina upang makuha ang korona sa World Cup laban sa France.

Ayon kay Messi, naging mabuti ang taong ito sa kanya dahil sa naabot niya ang kanyang pangarap na kanyang ipinaglaban at ito na ang pinakamagandang bagay na nangyari sa kanyang football career.

Tinalo ni Messi ang kanyang Paris Saint-German teammate at World Cup final rival na si Kylian Mbappe.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakuha ni Messi ang parangal at ang una ay noong FIFA 2016.

 

Follow SMNI News on Twitter