Liza Soberano, inilunsad ang bagong travel blog series na ‘Liza in Korea’

Liza Soberano, inilunsad ang bagong travel blog series na ‘Liza in Korea’

EXCITED na ibinahagi ng aktres na si Liza Soberano ang kaniyang bagong 10-episode travel vlog na ‘Liza in Korea”.

Inilunsad nitong Miyerkules, Setyembre 13, ang kaniyang serye na hindi lang aniya tungkol sa kaniyang mga adventures sa Korea kundi maipakita rin ang magagandang kultura ng naturang bansa.

Kasama na rin aniya dito ang mga natatanging negosyo sa Korea at ang mga kakaibang experience na ino-offer ng mga ito.

Ang bagong travel series na ito ni Liza ay partnership din sa Korean company na JJ Global.

Matatandaan, taong 2023 nang mapagdesisyunan ng aktres na maging independent artist matapos ang pagtra-trabaho ng 13 taon sa showbiz industry sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble