LRT-1 may limitadong biyahe dahil sa problema sa kuryente

LRT-1 may limitadong biyahe dahil sa problema sa kuryente

LIMITADO ang biyahe ng LRT-1 ngayong araw matapos magkaroon ng electrical fault sa bahagi ng linya papuntang Baclaran, ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC).

Ayon sa Light Rail Manila Corporation, tanging mula Fernando Poe Jr. Station hanggang Gil Puyat Station lamang ang biyahe ng southbound trains (unloading only), habang Vito Cruz Station naman ang itinalagang loading area.

Kasalukuyang nasa lugar ang engineering team ng LRMC upang ayusin ang electrical fault sa pagitan ng Redemptorist-Aseana Station at Baclaran Station.

Kasabay nito, isinasagawa rin ang masusing assessment sa catenary facilities para tuluyang maresolba ang aberya at maisagawa ang kinakailangang pagkukumpuni.

Ayon sa LRMC, mahalagang hakbang ito para matiyak ang kaligtasan at maayos na operasyon ng buong sistema ng LRT-1.

Humingi ng paumanhin ang LRMC sa abalang dulot ng hindi inaasahang insidente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble