LTO Chief Vigor Mendoza, mamimigay ng regalo ngayong Araw ng mga Puso

LTO Chief Vigor Mendoza, mamimigay ng regalo ngayong Araw ng mga Puso

NAKATAKDANG mamahagi ng regalo ang Land Transportation Office (LTO) sa mga kliyente, empleyado, at tsuper ngayong Araw ng mga Puso.

Pangungunahan ito mismo ni LTO Chief Vigor Mendoza II mamayang alas otso trenta.

Inaasahang mag-iikot ito sa tanggapan upang pasiyahin ang mga empleyado at kliyente sa pamamagitan ng pagbibigay ng tsokolate at bulaklak.

Bukod diyan, iikot din siya sa bahagi ng Quezon City para pasiyahin ang mga Public Utility Vehicle (PUV) driver.

Nais lang umano niyang pasayahin ang mga kababayan ngayong Feb-ibig.

Sinubukan din nating tanungin si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Teofilo Guadiz III kung ito rin ba ay mamimigay ng regalo ngayong Araw ng mga Puso.

Pero, wala pa itong tugon sa mga oras na ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble