UMABOT na sa 40 katao ang lumabag sa ipinaiiral na gun ban ng Commission on Elections (COMELEC) sa probinsiya ng Pangasinan.
Ang naturang bilang, ayon sa Pangasinan Police Provincial Police Office, ay mga nahuli mula Enero 12 hanggang Abril 3, 2025.
Ayon kay PCol. Rollyfer Capoquian, director ng nasabing probinsiya.
Ang mga nahuli ay mula sa mga isinagawang anti-illegal drug operation, check points, at buy bust operations.
Bagamat sinabi ng direktor na mapayapa sa pangkalahatan ang probinsiya, nakapagtala rin ito ng 115 kaso mula sa 8 focus crimes ng lalawigan.