Maagang pagtuklas at pag-iwas sa lahat ng uri ng cancer, isinusulong ni DILG Chief Abalos

Maagang pagtuklas at pag-iwas sa lahat ng uri ng cancer, isinusulong ni DILG Chief Abalos

NANGAKO si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ng suporta para sa mga hakbang na nagtataguyod ng maagang pagtuklas at pag-iwas sa lahat ng uri ng kanser.

Sinabi ni Abalos na ang maagang pag-iwas ay isang hakbang sa pagliligtas ng buhay sa kaniyang personal na paglalakbay bilang isang cancer survivor.

Ipinahayag niya ito sa kaniyang talumpati sa Philippine College of Surgeons (PCS) Cancer Commission sa Philippine National Cancer Summit 2024 sa Quezon City kamakailan.

Ang summit ay naglalayon na pagsama-samahin ang mga pampubliko at pribadong stakeholder upang tugunan ang mga kritikal na hamon at pag-unlad sa paglaban sa kinatatakutang sakit.

Sa Pilipinas, ang cancer ang pangatlong nangungunang sanhi ng kamatayan, na may higit sa 140,000 bagong kaso at 86,000 na may kaugnayan sa cancer na pagkamatay bawat taon.

Hinimok din ng DILG Chief ang gobyerno at pribadong stakeholders na tulungan ang mga LGU na makamit ang testing capacity para sa iba’t ibang uri ng cancer.

Aniya, ang kapasidad ng bawat LGU na tugunan ang pagtuklas at pag-iwas sa cancer ay dapat na magkatugma tungo sa pagbuo ng malawakang plano.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble