ISINISI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga nagpapakalat ng fake news ang mababang vaccination turn out sa ilang lugar sa bansa.
Sa kanyang Talk to the People kagabi, sinabi ni Pangulong Duterte na problema ang fake news dahil may mga tao na basta na lang naniniwala.
Ayon pa kay Pangulong Duterte, ang tanging maibibigay na lamang niya sa huling panahon nito sa posisyon ay ang makapagpapaganda sa buhay ng lahat.
Pinuri din nito ang ginagawa ng mga ahensiya ng gobyerno upang labanan ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon.
Binanggit din ng Pangulo ang kalaban ng pamahalaan na CPP-NPA-NDF na isa sa mga nagbibigay ng kung-anu-anong kasinungalingan sa publiko.
Sa huli, hiningi ni Pangulong Duterte sa mga opisyal partikular sa BARMM na hikayatin ang kanilang mga residente na magpabakuna na kontra COVID-19.
BASAHIN: Higit 66M indibidwal, fully vaccinated na kontra COVID-19 –DOH