Mag-asawa na naging matagumpay sa negosyo, patuloy na magsasagawa ng medical mission

Mag-asawa na naging matagumpay sa negosyo, patuloy na magsasagawa ng medical mission

PATULOY na magsasagawa ng medical mission ang mag-asawa na naging matagumpay sa negosyo.

Libreng check-up, mga gamot, dental, masahe, gupit, at tuli para sa serbisyo na inialok ng St. Gerrard Charity foundation nitong sabado sa Barangay Dela Paz, Pasig City.

Bukod pa dito ay mae-enjoy din ng mga benepisaryo ang pa-libreng meal partner na pares sa kanila habang sila ay nakikinabang sa iba’t ibang serbisyo sa medical mission.

Para sa mag-asawa ang blessing sa kanila bumabalik ng higit pa kapag tumutulong sila sa iba.

“Napansin din naming sa bawat pagbibigay namin ng isa ay sampung blessings ang bumabalik sa amin kaya. The more na nagbibigay po kami the more na may dumarating na blessing,” saad ni Curlee Discaya, Founder, St. Gerrard Charity Foundation.

Hindi rin nila akalain na ang ginawa nilang Medical Mission sa Brgy.Dela paz sa Pasig ay dadagsain ng libong katao.

“Nagulat kami na sobrang dami pala ng nangangailangan ng mga gamut, ng check-up, natatakot silang pumunta sa mga doctor nila kasi siyempre may bayad, baka wala kasi silang pambayad, siyempre here libre naming binibigay ang mga gamot na yan, 1-month na supply nila,” ayon kay Sarah Discaya, Founder, St. Gerrard Charity foundation.

Ang pagtulong nila ay hindi lang naman sa mga mamamayan sa Pasig kundi tumutulong sila noon pa man sa iba’t ibang bahagi sa Pilipinas.

“Bale nagstart kami sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas na nagrerekwest na mga kaibigan nating pulitiko ng tulong, ‘yung lugar nila nasalanta, humihingi ng kapirasong tulong, nagbibigay po kami sa kanila,” ani Curlee.

Ang Brgy. Dela Paz sa Pasig ang ika-limang medical mission na isinagawa ng St. Gerrard Charity foundation.

“Yung mga medical mission namin tapos na kami sa Bambang Pasig, sa Rosario, sa Santolan, Bagong Ilog, and eto Brgy. Dela Paz,” ayon naman kay Sarah.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble