Magandang foreign relation, mahalagang sangkap sa economic recovery ng bansa – PBBM

Magandang foreign relation, mahalagang sangkap sa economic recovery ng bansa – PBBM

BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maituturing importanteng critical component ng economic recovery efforts ng bansa ang pagpalalakas ng foreign relations.

Nitong Miyerkules ng gabi, nakabalik na sa bansa si PBBM kasama ang Philippine delegation matapos ang matagumpay na pagkumpleto ng state visits sa Indonesia at Singapore mula Setyembre 4-7, 2022.

Ani Pangulong Marcos, ang naturang pagbisita ay nagbukas din ng pagkakataon na makipagpalitan ng pananaw sa mga pinuno ng dalawang bansa patungkol sa mahahalagang regional at global issues na nakaaapekto sa seguridad sa rehiyon.

“We were cognizant of our roles as neighbors and partners in ASEAN. We all share the view that in this time of geopolitical turmoil and uncertainty, unity, mutual respect and the principle of sovereign equality should always prevail in our efforts to uphold peace and stability and an environment conducive to our continued national development,” pahayag ni PBBM.

Maliban sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng Indonesia at Singapore, ani Marcos, nasaksihan din nito ang pagpirma ng mga bilateral agreement na magsusulong ng kooperasyon sa iba’t ibang sektor.

Samantala, inihayag pa ng Punong Ehekutibo na ang pagsulong sa foreign investment ang isa sa mga ipinangako nito noong nakaraang unang State of the Nation Address (SONA) nitong Hulyo.

Kaya naman ani Pangulong Marcos, nagsusumikap ito at ang buong puwersa ng pamahalaan para sa pagpalalakas ng ekonomiya ng bansa.

Ito ay matapos ang mahigit 2 taon nang pandemya na nagdulot ng matinding epekto sa buhay ng mga Pilipino at sa bansa.

Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos sa buong delegasyon para sa pagtutulungan sa patuloy na pagbangon ng ekonomiya.

 

Follow SMNI News on Twitter