National Parks Development Committee ng DOT, magsasagawa ng concert ngayong ASEAN Month

National Parks Development Committee ng DOT, magsasagawa ng concert ngayong ASEAN Month

MAGSASAGAWA ng Open Field Musical Concert bukas, August 27 ang National Parks Development Committee (NPDC) bilang parte ng selebrasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Month.

Ang NPDC ay isang attached agency ng Department of Tourism (DOT).

Gaganapin ang concert sa Rizal Park Open Air Auditorium sa Ermita, Manila.

Layunin ng aktibidad ang pagpapakita ng pagkakaisa ng mga bansang kasapi sa ASEAN.

Alinsunod na rin ito sa Presidential Proclamation No. 282 na pinirmahan noong 2017 kung saan isinusulong nito ang pagpapahalaga ng friendship, peace at sustainable development sa kapwa ASEAN countries.

Tampok sa concert ang local talents gaya ng G22, Junior New System, Monzter Jam Duo, Kare Adea, Centro Escolar University Folk Dance Troupe, UP Manila Choral, Trixie Esteban, Shania Cuerpo, at Anika Zabala.

Follow SMNI NEWS in Twitter