Magsasaka sa Cagayan, sumailalim sa pagsasanay ng product chain management –DAR

Magsasaka sa Cagayan, sumailalim sa pagsasanay ng product chain management –DAR

SUMAILALIM ang dalawang Agrarian Reform Beneficiaries Organization sa pagsasanay na isinagawa ng Kagawaran ng Agraryo sa Cagayan.

Ang nasabing pagsasanay ay patungkol sa product chain management katuwang din ang Department of Trade and Industry (DTI).

Layunin ng ahensya ng gobyerno na tulungan ang mga magsasaka para sa pangkabuhayan.

Ang pagsasanay ay ipinatupad sa ilalim ng Support Service Component ng Comprehensive Agrarian Reform Program kung saan ang DAR at DTI ay masusing magtutulungan upang gabayan ang mga agrarian reform beneficiaries.

 

Follow SMNI News on Twitter