NASA 11,363 mula sa 37,859 examinees ang nakapasa sa pinakahuling Philippine National Police (PNP) Entrance and Promotional Examinations, ayon sa National Police Commission (NAPOLCOM).
Katumbas ito ng 30.01 percent passing rate exams na ginanap noong Hunyo 17 at 18 sa 30 designated testing centers sa buong bansa.
Mula sa nasabing datos, 5,641 ang pumasa sa PNPE Examination habang 5,722 naman ang pumasa sa in-service police officers ng PNP Promotional Examinations.
Tiniyak ng pamunuan ng PNP na dumaan sa mahigpit na screening ang lahat ng examinees sa ilalim ng mahigpit na Police Examination System.
Inaasahan na dadaan pa rin sa mahigpit na proseso ang mga ito sa pagpasok sa police service sa bansa.