Mahigit P2-B naiulat na hindi awtorisadong grant ng DOH, naayos na

Mahigit P2-B naiulat na hindi awtorisadong grant ng DOH, naayos na

NILINAW ng Department of Health (DOH) na naresolba na ang naiulat na P275.9 milyong kakulangan o deperensya sa hindi awtorisadong pamimigay ng meal allowance sa mga health workers.

Ito ay kasunod ng tinukoy sa Commission on Audit (COA) 2020 Consolidated Annual Audit Report di umano’y kakulangan ng management ng kagawaran na 275.9 milyon na sinasabing ibinigay bilang cash allowances, gift certificates at grocery items.

Ayon sa pahayag ng DOH, ang nasabing hindi awtorisadong grant ay naayos na kasama sa inilabas na Presidential Memorandum noong Hunyo 1 ng taong kasalukuyan.

Nilinaw ng DOH na sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act, may karapatan ang mga healthcare workers na magkaroon ng meals, accommodation at transportation benefits.

At para maibigay ang mga benepisyong ito, nag-download ang DOH ng P2.4 bilyong sa Centers for Health Development, sa mga ospital ng DOH, at sa mga specialty hospital.

At para mapabilis ang distribusyon nito, mas pinili ng ilang ospital at pasilidad na maibigay ang naturang benepisyo sa pamamagitan ng cash, grocery vouchers, grocery items at iba pa.

Ayon pa sa DOH, hiniling nila sa Office of the President na payagan na ibigay ang naturang benepisyo sa mga healthcare worker sa pamamagitan ng cash na pinayagan naman ng opisina tulad ng inilabas na memorandum noong Hunyo 1 ngayong taon.

SMNI NEWS