Duque, dapat nang pag-isipan kung epektibo pa rin ito bilang DOH chief —Quimbo

Duque, dapat nang pag-isipan kung epektibo pa rin ito bilang DOH chief —Quimbo

SINABI ni Marikina Representative Stella Quimbo na dapat nang pag-isipan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kung epektibo pa ba ito sa kanyang posisyon sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Sa isang panayam, inihayag ni Rep.  Quimbo na magandang tanungin kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung may kumpyansa pa a ito kay Sec. Duque sa kalagitnaan ng mga isyu na kinakaharap nito.

Ito ang naging pahayag ni Quimbo matapos naiulat ng Commission on Audit (COA) ang “deficiencies” ng DOH sa COVID-19 funds nito na nagkakahalaga ng 67.32 billion pesos.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Duque kaugnay sa  nasabing isyu.

 

 

SMNI NEWS