Mahigit 200 kongresista, co-authors ng Maharlika Investment Fund Act –Speaker Romualdez

Mahigit 200 kongresista, co-authors ng Maharlika Investment Fund Act –Speaker Romualdez

MAYORYA ng mga kongresista ang magiging co-authors ng Maharlika Investment Fund Act ayon mismo kay House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez sa Belgium, malakas ang suporta ng panukala sa Kamara.

Sa katunayan, halos lahat ng mga congressman ay magiging co-author nito.

“Yesterday as of the present time it was reported to me that there were 90 co-authors. Before they went to bed tonight in Manila, the Majority Floor Leader told me that we have over 220. And I think by the time that I get back baka umabot ng 250. They are already 2 thirds of the house will be co-authoring,”pahayag ni Romualdez.

Nanindigan naman si Romualdez na tama at napapanahon ang hakbang ng Pangulong Bongbong Marcos na isulong na magkaroon ng sovereign wealth fund ang bansa.

At ngayong nasa Kamara pa ang bola, posibleng maipasa sa 2nd reading ang bill bago matapos ang 2022.

Ngunit kung si Romualdez ang tatanungin, mainam na masertipikahan itong urgent ng Pangulo ang panukala.

“And by the way for your information, over 70 countries have sovereign wealth funds. We have over a hundred sovereign wealth funds and I think the batting average is about 99% successful. And then there might just be 1 or 2 that have been talked about in the media,” ayon kay Romualdez.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang paghimay ng Kamara sa panukalang Maharlika Investment Fund, ang sariling sovereign wealth fund ng Pilipinas.

Kamakailan lang ay inaprubahan ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries na ibalik sa Maharlika Investment Fund mula sa Maharlika Wealth Fund ang tawag dito.

Samantala, medyo malamig ang Senado sa sovereign wealth fund ng administrasyon.

Dahil hanggang ngayon ay wala pang counterpart bill para dito sa Senado.

Kumpiyansa naman si Romualdez na isusulong ni Senator Mark Villar ang paglikha ng sovereign wealth fund ng Pilipinas.

“He will use the draft that we’ve already refined to appro, approved by the banking committee that’s now on the floor as a starting point. Because he’s very-very enthusiastic about it because he appreciates it,” ani Romualdez.

Base sa pinakahuling bersyon ng panukala sa Kamara, lahat ng director o officer na mamamahala sa MIF na nakalabag sa polisiya ng batas ay makukulong hanggang sa limang taon at P2-million na multa.

Ipinagbabawal din ng panukala na ipa-manage sa itatayong Maharlika Investment Corporation ang lahat ng business ventures at investment na kanilang hawak ng mga opisyales.

Sa halip ang Pangulong ng bansa, sa bagong bersyon ay ang Finance Secretary na ang mamamahala sa nabanggit na korporasyon.

Tinanggal na rin ang SSS at GSIS bilang paghuhugutan ng seed money ng panukala.

Naghihintay si Romualdez kung ano ang maging pasya ng Pangulo sa MIF kung ito ba ay sesertipikahang urgent o hindi.

Follow SMNI News on Twitter