AABOT sa mahigit 200 Pinoy nurses at care workers ang ipinadala sa Japan.
Ito ay matapos silang matanggap sa ilang hospital at caregiving institutions sa Japan.
Batay sa ulat ng Japanese Embassy in the Philippines, nasa 213 na care workers at 18 nurses ay ang ika-14th batch ng Filipino nurses and certified care worker candidates sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA).
Ang hiring nila ay sa pagitan ng Philippine Overseas Employment Administration at Japan International Corporation of Welfare Services.
Simula 2009, may kabuuang 3, 378 na ang naipadala at nai-hire sa pamamagitan ng JPEPA.