AABOT sa humigit-kumulang 1,900 gramo ng imported na kush (high grade type of marijuana) na nagkakahalaga ng P3,135-K ang nasabat mula sa isang lalaking claimant sa isinagawang control delivery operation sa Antipolo nitong Lunes, Mayo 13, 2024.
Sa inisyal report ng PDEA Region III, kay Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang naarestong consignee na si Zintaro Uy, 23, residente ng Sitio Pantayanin, Dela Paz, Antipolo City.
Sinabi ng mga operating team, dumating ang mga ilegal na bagay sa Port of Clark noong Mayo 9, 2024.
Alam ng suspek ang nilalaman ng mga parsela at hindi lumaban sa pag-aresto sa kaniya ng mga operating team.
Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA Special Project Team, PDEA IS, PDEA ICFAS, PDEA Calabarzon, PDEA AVSEU3 at lokal na pulisya.
Isang non-bailable offense ng Section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa lalaking consignee.