Mahigit 400 diplomatic protest, inihain ng Pilipinas vs China

Mahigit 400 diplomatic protest, inihain ng Pilipinas vs China

INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mahigit 400 diplomatic protest ang kanilang inihain laban sa China sa aggression ng mga ito sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang binigyang-diin ng DFA sa plenary hearings para sa kanilang sa P20.4 billion 2023 proposed budget.

Ayon kay Manila Rep. Benny Abante na siyang kumatawan sa DFA sa plenaryo, mula 2020 ay umabot na sa 405 diplomatic protest ang kanilang isinampa laban sa China dahil sa presensya ng mga Chinese vessel sa Pag-asa Islands at Julian Felipe Reef.

Giit ni Abante na patuloy na igigiit ng DFA ang karapatan ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo at ang pinakamainam na gawin dito ay idaan sa diplomatic protest.

Kabilang din sa ipinoprotesta ng bansa laban sa China ay ang pang-uudyok ng gulo ng Chinese vessels sa radio communications pati na ang panghaharass ng mga ito sa mga Pilipinong mangingisda.

“The DFA will continue to assert the Philippine sovereignty over the West Philippine Sea,” giit ni Abante.

Follow SMNI NEWS in Twitter