Mahigit 50K na nakinabang ng 4Ps sa W. Visayas, natapos na

NATAPOS na ang higit sa 50,000 mga miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Western Visayas ngayong taon.

Inihayag din ng DSWD Western Visayas-Pantawid Division Chief Belen Gebusion na ang mga miyembro ng 4Ps ay natapos na.

“The first batch of exiting or graduating 4Ps households are those identified as early as June last year with no eligible children for monitoring who are 19 years old or have graduated from the Senior High School,” ani Gebusion.

Ang unang batch ay mayroong 10,393 na mga nagtapos at noong Abril 19, ayon kay Gebusion na 7,173 ang na-validate para sa exit.

Kasama dito ang 775 mula sa Aklan, 803 mula sa Antique, 1,033 mula sa Capiz, 174 mula sa Guimaras, 1,718 mula sa Iloilo, at 2,670 mula sa Negros Occidental.

Sa Hunyo naman ay mayroong identified na 9, 644 batay sa information system ng program at 33, 031 pagkatapos ng Disyembre.

Ani Gebusion habang inaasahan nilang tatapusin ang benipisyo ng programang conditional cash transfer (CCT), tiniyak nito na mabibigyan pa rin sila sa kanilang pangangailangan.

Ayon sa Social Welfare Development Indicator (SWDI) na hindi lahat ay may kakayahan sa antas ng buhay, kaya naman ang DSWD sa pamamagitan ng SWDI ay may nakahandang planong tulong para sa mga benipisiyarong natapos na.

Pahayag ni Gebusion na mabibigyan na rin umano ng oportunidad ang iba pa na maka benipisyo sa suporta ng gobyerno.

“For every household that exits in the program, there is a greater possibility for another set of poor households that could avail of the Pantawid.”

Noong April 6, batay sa DSWD ay mayroong 326, 934 Pantawid na mga benipisyaryo sa Western Visayas ang naitala.

Kada buwan ang household member ay makatatanggap ng Php750 para sa health grant, Php300 sa edukasyon (elementary), Php500 para sa junior high school, Php700 para sa senior high school na may maximum na tatlong anak at Php600 na monthly rice allowance.

Gayundin, awtomatiko silang nakatala sa insurance pangkalusugan at prayoridad rin sa mga modalidad at interbensyon sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) at iba pang mga programa.

Samantala, ang mga benepisyaryo ay dapat sumunod sa mga kundisyon, ang pre-at postnatal para sa mga buntis, dumalo sa mga family development session(FDS), regular na pag-iingat sa kalusugan at ito ang pagpapabakuna para sa mga batang may edad 0-5 taong gulang, dalawang beses sa isang taon na pag-deworm para sa 6-14, at mga batang nag-aaral ay dapat mag-enrol sa paaralan at panatilihin ang attendance ng 85 porsyento kada buwan.

SMNI NEWS