UMABOT na sa mahigit 60 milyong PhilIDs at ePhilIDs ang naipamahagi na ng pamahalaan.
Batay sa pinakahuling datos ng Philippine Identification System, mahigit 29 na milyon na ang kanilang nai-deliver na PhilIDs habang nasa mahigit 30 milyon ang naisyu na ePhilIDs.
Sa pahayag ni PSA Undersecretary Dennis Mapa, ang pag-abot sa 60 milyong naisyung PhilID ay maituturing na isang panibagong milestone ng bansa.
Tiniyak naman ni Mapa na magkakaroon ng PhilID at ePhilID ang lahat ng nagparehistro sa PhilSys bilang bahagi ng target ng pamahalaan na lumikha ng makabagong Pilipinas kung saan ang mga serbisyo ay mas madaling ma-access ng lahat ng Pilipino.