MAHIGIT 900 na mga police officer ang natanggal sa kanilang trabaho noong 2024 dahil sa iba’t ibang paglabag.
Sa 903 na na-dismiss ay kasama rito ang limang lieutenant colonels; anim na major; 12 na mga kapitan; at limang lieutenants.
Sa kabuuan, nasa 5.4K (5,457) na mga personnel ang nahaharap sa kasong administratibo para sa 3.7K (3,751) na mga kaso para sa taong 2024.
Samantala, nasa 20 na sa 29 na mga pulis ang naka-kustodiya ayon sa Philippine National Police (PNP) kaugnay sa multi-billion drug buy bust sa Maynila noong 2022.
Follow SMNI News on Rumble