Malacañang, nagtalaga ng mga bagong opisyal ng DMW at Clark Int’l Airport Corp.

Malacañang, nagtalaga ng mga bagong opisyal ng DMW at Clark Int’l Airport Corp.

NAGTALAGA ang Malacañang ng mga bagong opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) pati na rin ang mga bubuo sa pamunuan ng Clark International Airport Corporation na nakapailalim sa Department of Transportation (DOTr).

Sa DMW, in-appoint si Samsudin Lintongan bilang Director III at Victor del Rosario bilang Executive Director III.

Sa Clark International Airport Corporation naman, itinalaga si Arrey Perez bilang President and Chief Executive Officer (CEO) at Member ng Board of Directors; at Victor Manuel Jr. bilang Member ng Board of Directors.

Samantala, nanumpa na sa tungkulin ang mga bagong acting member ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority Board of Directors na sina Ma. Cristina Suaverdez at Rene Tayag.

Nag-oathtaking ang mga nabanggit na opisyal sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter