NAILIGTAS ng mga awtoridad sa Tagaytay City ang isang dinukot na Malaysian national.
Sa impormasyon mula sa Philippine National Police (PNP), kinilala ang biktima na si Cheong Hock Nian, isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) employee.
Dinukot umano ito sa isang casino sa Pasay City at dinala sa Tagaytay City sakay ng isang itim na van.
Dahil sa natanggap na tawag ng pulisya ay agad itong nagsagawa ng beripikasyon.
Pagkarating nila sa Barangay Sungay East ay nakita nila ang biktima na nakakulong sa palikuran at nakagapos ang mga kamay.
Agad itong dinala sa ospital para sa medical check-up.
Iniimbestigahan na ang tatlo umanong sangkot sa pagdukot na kinilalang sina Zhu Pan at Li Yu Kon, kapwa Chinese nationals at John Doe.