Malaysian PM Anwar Ibrahim, nasa Pilipinas para sa 2-day official visit sa bansa

Malaysian PM Anwar Ibrahim, nasa Pilipinas para sa 2-day official visit sa bansa

DUMATING na si Malaysian Prime Minister Dato Seri Anwar Ibrahim sa Pilipinas.

Lumapag ang Flight Perdana 001 o ang eroplanong sinakyan ni Anwar sa Villamor Airbase, Pasay City bandang 12:50 ng hapon ngayong araw ng Miyerkules.

Sa pagdating ng Malaysian Prime Minister sa bansa, ay ginawaran ito ng military honors.

Magkakaroon naman ng official welcome ceremony sa pagdating ni Anwar sa Palasyo ng Malakanyang.

Una nang naglabas ng statement ang Malakanyang kung saan inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) na opisyal na sasalubungin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Punong Ministro ng Malaysia sa mga gagawing seremonya sa Palasyo.

Ang dalawang lider ay magsasagawa ng bilateral meeting upang talakayin ang mga usapin hinggil sa mutual concern gaya ng political, security, at economic cooperation, gayundin ang patungkol sa people-to-people ties.

Inaasahang magpapalitan din ng mga kuru-kuro ang dalawang lider sa mga isyu sa rehiyon at internasyonal.

Pagkatapos nito, ay magkakaroon ng dinner banquet sa Malakanyang si Pangulong Marcos kasama si Anwar bilang parangal sa Punong Ministro.

Si Prime Minister Anwar Ibrahim, ang ika-10 Punong Ministro ng Malaysia at ang unang Head of Government na bumisita sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Instagram