Mambabatas, mas mainam mahikayat bumisita sa Pilipinas ang overseas Filipinos kumpara sa foreigners

Mambabatas, mas mainam mahikayat bumisita sa Pilipinas ang overseas Filipinos kumpara sa foreigners

MAINAM na mas mahikayat pa ang overseas Filipinos na bumisita o bumiyahe papuntang Pilipinas halimbawa tuwing holidays ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan.

Batay sa datos, mas marami naman ang bilang ng mga turistang Pilipino kumpara sa turistang foreigners.

Mula Enero hanggang Nobyembre 2023, nasa 396,147 Philippine passport holders ang bumisita sa Pilipinas at hindi pa kasama rito ang mga Pilipino na gumagamit ng foreign passports.

Ayon kay Libanan, malaking factor dito ang social at economic ties ng overseas Filipinos.

Karamihan pa sa mga ito ay nagtatayo ng panibagong investments gaya ng apartments for rent upang mabigyan din ng pangkabuhayan ang mga kamag-anak nila sa bansa.

Dagdag pa ng mambabatas, mas bumibili rin ng locally-made products ang mga ito kung babalik na ito sa ibang bansa.

Dahil dito, magandang mahanapan ng paraan ng Department of Tourism (DOT) na mas marami pang mga Pilipino ang uuwi gaya ng holidays dahil nakatutulong ito para sa mas mataas na tourism revenues at job growth.

Kasama rin dito ang panukala ni Libanan na mai-upgrade ang benepisyo at pribilehiyo ng mga Filipino tourists o returning Filipino sa ilalim ng Balikbayan Program Law of 1989.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble