Mambabatas, naniniwala na hindi pa panahon para maghanap ng ibang kalihim para sa DA

Mambabatas, naniniwala na hindi pa panahon para maghanap ng ibang kalihim para sa DA

NANINDIGAN si House Deputy Majority Leader Bong Teves na hindi pa kailangang lisanin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kaniyang pwesto bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Ito ay sa kabila ng mga panawagan ng ilan na maghanap na ng fulltime secretary ang Pangulo para matutukan ang problema sa agrikutura tulad ng problema sa presyo ng sibuyas.

Ayon kay Cong. Teves, kaya pa ng Pangulo na gawin ang kaniyang trabaho.

Naririyan din pa naman daw ang kanyang mga undersecretary para tutukan ang problema ng bansa pagdating sa pagkain.

Para sa mataas na presyo ng sibuyas, malaking tulong ang pagsubsidize sa mga produkto ng mga magsasaka para makontrol ang presyo ng mga ito at maging abot-kaya pa rin para sa mga mamimili.

‘’Sabi ko nga dapat magkaroon ng pondo to subsidize ang gobyerno para sila mismo ang bumili sa mga farmers,’’ ani Cong. Teves.

Ang problema raw, murang ibinebenta ng mga magsasaka ang mga sibuyas sa mga traders pero pagdating sa mga ito, ibinebenta nila ng mahal sa mga pamilihan.

Sa ngayon maaring mabili ang sibuyas sa pagitan ng P400 at P600 kada kilo sa ilang wet markets.

Inaasahan naman na bababa ito sa P120 kada kilo sa Pebrero sa oras na maka-angkat na ng sibuyas ang gobyerno.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na no choice ang bansa kundi ang mag-angkat ng sibuyas para masolusyunan ang problema sa sibuyas.

Follow SMNI NEWS in Twitter