Marcos jr. dapat ipatawag din ng Kamara—vlogger

Marcos jr. dapat ipatawag din ng Kamara—vlogger

MAINAM kung ipatawag din sa Kamara si Pangulong Bongbong Marcos Jr. dahil nagsasabi ito ng ‘fake news’.

Tugon ito ng vlogger na si Jay Guevarra, isa sa mga anchor ng programang Banateros sa SMNI kaugnay sa pagpapatawag ng Tri-Committee ng Kamara sa 40 vloggers at online content creators upang pag-usapan anila ang pagpapalaganap ng disinformation at fake news.

Inihalimbawa ni Guevarra sa pagiging ‘fake news’ ni BBM ang pinagsasabi nito sa nangyaring 16-day siege o paglusob ng mga pulis sa Davao compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) simula noong Agosto 24 hanggang Setyembre 8, 2024.

Matatandaang sinabi ni Marcos Jr. na hindi aniya gumagamit ng baril o teargas ang mga lumusob na pulis sa KOJC Compound ngunit makikita naman sa napakaraming footage na naka-full battle gear ang mga ito.

Ibig sabihin, parang lulusob ang mga ito sa isang giyera.

Samantala, sa 40 na vloggers na ipinatawag ng Kamara, tatlo lang ang sumipot kasama na ang political strategist na si Malou Tiquia.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble